You are not connected. Please login or register

Pangalan ng pulitiko alisin sa proyekto

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Pangalan ng pulitiko alisin sa proyekto on Thu Aug 12, 2010 4:42 pm

Admin

avatar
Admin
MADALAS makita ang mga pangalan ng pulitiko sa ipinagawang waiting
sheds, street signs, overpass, barangay hall, at maski sa mga
basurahan. Nagdudumilat at malalaki ang letra ng pangalan ng pulitiko
sa mga pinagawang proyekto. Pero alam n’yo bang hindi naman pera ng
pulitiko ang ipinagpagawa ng mga proyektong iyon? Pera ng taumbayan ang
ipinagpagawa niyon kaya walang karapatan ang mga pulitiko na ilagay ang
kanilang pangalan doon. Sa buwis na ibinabayad ng taumbayan kinuha ang
ipinagpagawa sa mga proyekto kaya hindi dapat angkinin ng pulitiko ang
proyekto.

Matagal nang ginagawa ang ganitong praktis ng mga
pulitiko. Mas lalong dumadami ang pangalan nila kapag malapit na ang
eleksiyon. Epektibo nga naman ang paglalagay ng pangalan sa mga
pinagawang proyekto sapagkat laging nakikita ng mga tao. Halim­bawa’y
kapag inilagay ang pangalan ng pulitiko sa overpass, tiyak na marami
ang makakakita sapagkat dinadaanan ng mga tao. Nakikita rin ng mga
naka­sakay sa bus. Nakatatak na tuloy sa isipan ng mga tao ang pangalan
ng pulitiko. At presto, pagdating ng eleksiyon, ang pangalan niya ang
matatandaan ng botante.

View user profile http://catigbian.darkbb.com
agree!

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum